Balot ng pighati
Dito sa isang tabi
Pusong nalulumbay
Dahil sa pagmamahal
'Di mo kayang ibigay.
Lumipas na ang panahon
Narito at 'di makaahon
Nasasadlak sa isang kahapon
Matagal nang dapat ibinaon.
Naalala ko ang iyong mga ngiti
Mga luha kong iyong pinalis
Habang binubulong ang isang himig
Awiting puno ng pag-ibig.
Bawat araw na ka'y saya
Sa piling mo puno ng ligaya
Buong akala'y nais lang ipadama
Pag-ibig na walang hanggan
Di alam na yun pala'y
Buwan ng pamamaalam.
N.B.
Tulang nagawa habang naghihintay buong umaga
sa isang kaibigan, doon sa Pedro Gil.
Sa totoo lang may kasama pa itong essay na pagkahaba-haba -
naisulat sa likod ng tray liner ng McDo.
Di pinatawad pati resibo, pati tissue... At lahat na.
Isinulat sa pagitan ng paghimbing, pagkainip, pagkainis...
Muntik ko nang masakal ang kaibigan ko pagkakita ko sa kanya.
Kaya pwede ring ang title ng tulang ito ay
"WALANG HANGGANG PAGHIHINTAY".
Angkop para sa paghihintay ko sa aking kaibigan,
at sa taong inspirasyon ng tulang ito.
No comments:
Post a Comment