Saturday, February 10, 2007

Mga one-liners ng kahapon

Sa buhay natin, may mga "one-liners" mula sa mga taong mahal at minahal natin ang mananatiling nakatatak sa ating isipan. Mga linyang maaaring walang halaga para sa iba. Ngunit nagbigay naman ng kakaibang ligaya sa atin sa mga panahong nasabi nila 'yon. Lumipas man ang mga taon, mawala man sila sa ating buhay, naroon pa rin ang kanilang alaala. Bubuhayin sa mga oras na 'di inaasahan. Kay sayang balikan. Mapapangiti ka na lang kahit na ikaw ay mag-isa.

Dito natin mas mauunawaan kung bakit sa kabila ng mga kalungkutang pinagdaraanan o narasan ay patuloy tayong nagmamahal ng lubusan. Dahil sa mga tawanang hindi matutumbasan ng ano mang bagay. Masasabi natin sa ating sarili na "he/she's worth everything that's happened to me." Lupet pakinggan!

Ang sarap namang magmahal lalo na kung walang pagduda sa iyong puso na tanging ikaw rin lang ang binubulong ng sa kanya. Walang nakahadlang na balakid na mas magpapasakit sa mga pagsubok na darating. Kung maaari lang turuan ang pusong huwag dumurog ng ibang damdamin. Di sana'y wala ng masasaktan ng sobra-sobra. Manananatili ang tila isang panaginip na pagmamahalang walang hanggan.

Kaya lang "ganon talaga" - mga salitang para sa akin ay naglalaman ng lungkot at pagdurusa. Katotohanang hindi madadaya ng kahit anong pagkukunwari. Hindi man madali ang paglimot at pagbangon, ngunit asahan natin ang isa namang scientipikong katotohanan na pagkatapos ng mahabang magdamag ay masisilayan rin ang luwinag ng bukas. Unti-unti'y makakamtan ang pangako ng tunay na pag-ibig. Buksan mo ang iyong mga mata sa tunay na magmamahal o matagal ng nagmamahal sa iyo.

At ang mga one-liners ng kahapon ay hindi nariyan para magbigay ng kalungkutan kundi para magpaalala lamang ng mas maraming dahilan kung dapit ngayon ikaw ay masaya, wala ng iba.

Kaya walang rason para ito'y kalimutan. So ikaw, ano'ng paboritong one-liner mo?

No comments: