Tuesday, January 23, 2007

pink jinx

Here's a song i wrote for someone i loved, hated and finally blocked from my life completely, irrevocably.

Ulitin mo nga
Akala'y nagbibiro lang
Ngunit
di pa man sabihin
ay alam ko na
Noon pa ma'y wala na
Pag-ibig na nasayang lang

Paano na ang pusong
sayo lang nilalaan
Hihintayin pa naman sana
Pero huli na pala

Ulitin mo nga
Talaga bang kanya ka na
Hindi na masisilayan
o makakamtan
puso mong akala'y
para sa kin lang

Paano na ang pusong
sayo lang nilalaan
Hihintayin pa naman sana
Pero huli na pala

Isang beses lang uulitin
Ikaw lang tanging
para sa akin
Ngunit pa'no na
Naglaho na
Wala ka na.........

Paano na ang pusong
sayo lang nilalaan
Hihintayin pa naman sana
Pero huli na pala
Paalam na