Tuesday, December 12, 2006

Ligaw Na Anghel

Bumabalik ang alaala ng kahapon
Umiiyak kahit buhay ay di naman patapon.
Wala ka pa ring sinasabi
Iyong pananahimik ay walang kasing hapdi.
Heto at nakatitig sa kawalan
Hindi tumitinag, kulang nalang ay padasalan.
Ayaw man isipin ang nakaraan
Hanggang ngayon ito'y nanatiling hadlang.
Lahat ng nasayang na pagkakataon
Mga alaalang matagal nang nais ibaon
Pilit pa ring nanghihimasok
Sa pusong nais manahimik pag naglaon.
Palayain mo ang lahat ng hinanakit
Upang 'di na maging balakid.
Saka lang makakahanap ang damdamin
Ng bagong pusong mamahalin.

No comments: