Tuesday, December 12, 2006

Lokohan

Isang gabi ng pag-uubaya
Binabalikan ang kahapong nagdaan
Mata mo'y puno ng pagdurusa
Paghihirap ba’y hanggang kailangan?

Hawak mo ang aking kamay
Umaasa at nagmamakaawa
Puso ko ba’y natangay
O sadya lang talagang nagsawa?

Tila wagas pa rin ang pagmamahalan
Ramdam ko ang paghihirap ng kalooban
Ngunit ang iyong ngayon ay nakahadlang
Bukas natin ay nasaan?

Hanggang sa huli’y sumuko rin
Mga pangako’y biglang naglaho
Pinaglaruan lang ba ang damdamin?
Dahil muli ako’y iniwan mo.

No comments: