Tuesday, December 12, 2006

Pag-agos palayo sayo

Hinto.
Matapos ang mahabang paglalakbay
Sa'yong alaala'y hindi na sasabay.

Hinto.
Matapos ang paglutang sa kawalan
Binitawan rin ang mga agam-agam na laging pasan.

Hinto.
Matapos ang lahat ng paghihinagpis
Hanap ngayo'y bagong umagang kay tamis.

Hinto.
Matapos umasa sa’yong pagbabalik
Natapos rin ang paghihintay at pananabik.

Hinto.
Matapos ang pagbangon ng galit at pait
Batid kong ngayon, kasiyahan naman ang kapalit.

Hinto.
Matapos kong sundan ang pangakong walang hanggan
Tama na.
Ang aking tadhana na lamang ang susundan.

No comments: